Ria Money Transfer Mobile Application - Mga Tuntunin at Kondisyon
Nai-post noong [petsa] (v2021.03-01)
PANIMULA
Ang Ria Financial Services New Zealand Limited (NZBN: 9429033287843), isang kumpanyang iningkorpora sa New Zealand na may rehistradong address sa Level 4, 32 Mahuhu Crescent, Auckland 1010, New Zealand, ay lisensyado para sa pagbibigay ng mga serbisyo ng money transfer at nakikipagkalakaran sa ilalim ng pangalang 'Ria' at/o 'Ria Money Transfer' (mula rito ay "Ria", "kami", "namin" o "amin").
Mahalagang basahin at maunawaan mo ang mga tuntunin at kondisyong ito ("Mga Tuntunin at Kondisyon") bago mo tanggapin ang mga ito. Ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito ay maaaring ipatupad at available sa Ria Money Transfer mobile application na pinamamahalaan ng Ria at/o alinmang iba pang kumpanya sa loob ng Aming Grupo (ang "Ria Money Transfer App"). Ipinaliliwanag ng mga ito ang karamihan ng iyong mga responsibilidad sa amin at aming mga responsibilidad sa iyo, kung paano at kailan maaaring tapusin ang aming kasunduan sa iyo at ang hangganan ng aming pananagutan sa iyo. Makakakuha ng dagdag na impormasyon sa ilalim ng seksyon ng 'Mga Madalas Itanong' sa Ria Money Transfer App.
SA PAMAMAGITAN NG PAGKUMPLETO AT PAGPAYAG SA IMPORMASYONG KINAKAILANGAN PARA GUMAWA NG TRANSAKSYON SA PAGBABAYAD AT SA PAMAMAGITAN NG PAGTANGGAP SA MGA TUNTUNIN AT KONDISYONG ITO, SUMASANG-AYON KANG MAPAILALIM SA MGA TUNTUNIN AT KONDISYONG ITO. MANGYARING HUWAG GAMITIN ANG ALINMAN SA AMING MGA SERBISYO KUNG HINDI MO TINATANGGAP ANG MGA TUNTUNIN AT KONDISYONG ITO. ANG MGA TUNTUNIN AT KONDISYONG ITO AY ISANG LEGAL NA NAGBUBUKLOD NA KASUNDUAN AT MAHALAGANG PAGLAANAN MO NG PANAHON NA MABASA NANG MABUTI ANG MGA ITO.
ALERTO SA PANLOLOKO SA MAMIMILI: ANG PAGWA-WIRE NG PERA AY KATULAD LANG NG PAGPAPADALA NG CASH. PROTEKTAHAN ANG IYONG SARILI MULA SA PANLOLOKO SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPADALA LANG NG PERA SA MGA TAONG KILALA MO O KAYA'Y MAPAPATUNAYAN MONG MAPAGKAKATIWALAAN. MAG-CLICK DITO PARA MATUTO PA TUNGKOL SA LIGTAS NA PAGPAPADALA NG PERA GAMIT ANG RIA. KUNG NANINIWALA KANG BIKTIMA KA NG PANLOLOKO O SCAM, MAKIPAG-UGNAYAN AGAD SA AMIN SA 0800-450-403 Opt 2 O SA PAMAMAGITAN NG EMAIL SA [email protected] AT MAKIPAG-UGNAYAN SA INYONG LOKAL NA AWTORIDAD NA NAGPAPATUPAD NG BATAS.
1. ANG AMING MGA SERBISYO
1.1. Ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito ang namamahala sa pagbibigay ng Aming Serbisyo, na binubuo ng pagsasagawa ng mga Transaksyon sa Pagbabayad na pinasimulan mo sa pamamagitan ng Ria Money Transfer App. Ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito ay ipapatupad sa iyong paggamit ng Ria Money Transfer App kung saan inuutusan mo kaming isagawa, at sumasang-ayon kaming isagawa para sa iyo, ang alinman sa Aming Serbisyo, kabilang ang lahat ng content, functionality at mga serbisyong inaalok sa pamamagitan nito.
1.2. Ang aming mga obligasyon sa ilalim ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito ay nakasalalay sa aming pagtanggap sa iyo bilang user, na nakabatay sa aming sariling pagpapasya at inilalaan namin ang karapatang tanggihan ang pagbibigay ng Aming Serbisyo sa iyo nang hindi tumutukoy ng dahilan. Dapat mong ibigay nang maagap ang lahat ng impormasyon at dokumentasyon na maaaring hingin namin sa iyo sa anumang oras upang makasunod kami sa anumang mga legal na kinakailangan kaugnay ng Aming Serbisyo, kabilang kung hihingin ng regulasyon laban sa money laundering (pagkukubli ng pinagmulan ng perang nakuha sa ilegal na paraan) at terrorist financing (pagbibigay ng pinasyal na suporta sa mga terorista), at pumapayag kang makipag-ugnayan kami sa iyo para sa mga layuning ito.
2. MGA DEPINISYON
2.1. Ginagamit ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito ang mga sumusunod na depinisyon:
(i) Ang ibig sabihin ng "Bank Card" ay isang Visa, MasterCard, o iba pang katanggap-tanggap na credit card, o debit card
(ii) Ang ibig sabihin ng "Bank Transfer" ay ang paraan ng pagbabayad kung saan inuutusan mo ang iyong bangko na magpadala ng pera o bayad nang direkta, o sa pamamagitan ng isang third-party na kumpanyang tagaproseso ng mga bayad na katransaksyon ng Ria (tulad ng POLi Payments) para sa layuning padaliin ang iyong mga pagbabayad para sa Aming mga Serbisyo, papunta sa mga bank account ng Ria.
(iii) Ang "Araw ng Negosyo" ay nangangahulugang Lunes hanggang Biyernes, hindi kasama ang mga Pista-Opisyal ng Bangko at Pampublikong Pista-Opisyal, sa New Zealand
(iv) Ang ibig sabihin ng "Card Issuer" ay ang nag-isyu at may-ari ng isang Bank Card
(v) Ang "Aming Grupo" ay binigyang-kahulugan sa sugnay 20 sa ibaba
(vi) Ang ibig sabihin ng "Aming Serbisyo" ay ang serbisyo ng money transfer na ibinibigay namin sa pamamagitan ng Ria Money Transfer App
(vii) Ang ibig sabihin ng "Ahenteng Nagbabayad" ay isang natural na tao o legal na entidad na kumikilos bilang third-party na tagapaglaan ng mga serbisyo sa pagbabayad o isang ahente na kumikilos sa aming ngalan o sa ngalan ng isang affiliate sa Aming Grupo na nagpe-payout ng Transaksyon sa Pagbabayad na pinasimulan mo para sa isang Recipient sa patutunguhang bansa na tinukoy mo
(viii) Ang ibig sabihin ng "Payment Order" ay lahat ng tagubiling isinumite mo sa amin na humihiling ng pagsasagawa ng isang Transaksyon sa Pagbabayad
(ix) Ang ibig sabihin ng "Transaksyon sa Pagbabayad" ay ang pag-transfer ng pera sa isang Recipient
(x) Ang ibig sabihin ng "Recipient" ay ang indibidwal na itinalaga mo bilang tatanggap ng Transaksyon sa Pagbabayad na isang natural na tao at katanggap-tanggap para sa amin, at siyang tatanggap ng money transfer sa pamamagitan ng isang itinakdang Ahenteng Nagbabayad, sa pamamagitan ng bank transfer sa bank account ng naturang itinalagang indibidwal o sa pamamagitan ng aming home delivery service (kung saan naaangkop)
(xi) Ang "Ria Money Transfer App" ay binigyang-kahulugan sa talatang may pamagat na ‘Panimula’ sa itaas
(xii) Ang mga salitang "ikaw", "iyo", "mo" at "user" ay nangangahulugang ikaw, ang taong nakikipagkontrata sa amin gamit ang Ria Money Transfer App para sa pagbibigay ng Aming Serbisyo
3. PAGBUO NG KONTRATA
Bawat Transaksyon sa Pagbabayad na isasagawa namin para sa iyo ay isang hiwalay na kontrata kung saan kasama ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito. Hindi kailanman pinagtitibay ang isang kasunduan sa balangkas sa pagitan natin, na nag-oobliga sa aming magsagawa ng mga kasunod na Transaksyon sa Pagbabayad. Dapat mong abisuhan ang Recipient ng Transaksyon sa Pagbabayad nang naaalinsunod.
4. MGA PAGBABAGO
4.1. Maaari naming amyendahan ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito paminsan-minsan, halimbawa, upang makasunod sa mga pagbabago sa batas o mga kinakailangang pangregulatoryo o dahil sa mga pagbabago sa mga kalagayan ng merkado.
4.2. Kung magsagawa kami ng anumang pagbabago sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito, gagawin namin ito sa pamamagitan ng email at/o sa pamamagitan ng paglalagay ng binagong bersyon ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito sa Ria Money Transfer App. Ipapaalam din namin sa iyo ang petsa kung kailan magkakabisa ang anumang pagbabago (ang "Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa").
4.3. Ang mga pagbabagong ginagawa namin sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito ay karaniwang ipinapatulad lamang sa mga Payment Order na pinasok matapos ang Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa ngunit ipapatupad din sa mga Payment Order na pinasok bago ang Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa kapag inatasan kaming gawin ito ayon sa batas o mga kinakailangang pangregulatoryo. Sa anumang pangyayari, at para maiwasan ang pagdududa, mananaig ang na-update na bersyon ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito sa anumang naunang bersyon.
4.4. Hindi namin ginagarantiyahan na ang Ria Money Transfer App o anumang content na laman nito, ay palaging magiging available o hindi magagambala. Maaari naming suspindihin o bawiin o limitahan ang pagiging available ng lahat o anumang bahagi ng Ria Money Transfer App para sa mga kadahilanang pangnegosyo at pang-operasyon. Susubukan ka naming bigyan ng makatuwirang abiso (halimbawa, sa pamamagitan ng pagpo-post ng mensahe sa Ria Money Transfer App) tungkol sa anumang nakaiskedyul na pagsususpinde o pagbawi.
5. ACCESS SA AMING SERBISYO
5.1. Sa pamamagitan ng paggamit ng Ria Money Transfer App, kinakatawan at pinatutunayan mo na ikaw ay hindi bababa sa 18 taong gulang at mayroon kang legal na kapasidad na pumasok sa isang nagbubuklod na kontrata sa amin. Kapag napag-alaman namin sa pamamagitan ng mga maaasahang paraan na ang isang user ay wala pang 18 taong gulang, kakanselahin namin ang account ng user na iyon at idi-delete ang lahat ng impormasyon hinggil sa naturang user sa aming system at mga rekord.
5.2. Dapat na mayroon kang valid na user account upang magamit ang Aming Serbisyo ("user account"). Pwede kang mag-apply sa pamamagitan ng Ria Money Transfer App para gumawa ng user account sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong personal na impormasyon at password, at pagkumpirma ng iyong pagtanggap sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito. Kung tinanggap namin ang aplikasyon mo, gagawin namin ang iyong user account at ia-activate ito para magamit sa pag-access ng Aming Serbisyo, alinsunod sa mga limitasyong itinakda sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito. Lahat ng impormasyong ibibigay mo ay itatago sa iyong user account at pananatilihin namin at/o ng ilang partikular na kumpanyang katransaksyon namin o ng aming Grupo para maibigay ang Aming Serbisyo.
5.3. Maa-access mo ang Aming Serbisyo gamit ang Ria Money Transfer App sa pamamagitan ng tamang paglalagay ng iyong user name at password (magkasama ay iyong "User ID") ngunit hindi kailanman sa iba pang pangyayari. Mahigpit na kumpidensyal, personal at hindi naipapasa ang iyong User ID. Responsibilidad mong tiyakin na pananatilihin mong ligtas at protektado ang iyong User ID at anumang iba pang pangseguridad na feature na nauugnay sa iyong access sa Ria Money Transfer App (kabilang ang anumang mga detalye ng Payment Order). HUWAG KAILANMAN IBIGAY ANG IYONG USER ID SA KAHIT KANINO AT HUWAG ITONG ISULAT KAHIT SAAN! Kung mapag-alaman mo o mayoon kang anumang hinala na hindi na kumpidensyal o nakompromiso sa anumang paraan ang iyong User ID, dapat kang makipag-ugnayan ag